967

Jan 8, 2019 @ 21:22
By

Paglilinis sa Manila Bay, ipinag-utos na ni Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Año na simulan nang linisin ang Manila Bay.

Inutusan din ng Pangulo ang mga hotel na magkabit ng water treatment systems o ipasasara niya ang mga ito.

Anang Pangulo sa pahayag sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City, hindi siya natatakot na mawalan ng mga turista ang bansa sakaling ipasara niya ang mga hotel sa paligid ng Manila Bay.

“If there are no tourists, then so be it. We will not die. You do something about your waste there or otherwise I will close it. That’s for sure,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?