67

May 1, 2019 @ 16:23
By

Paglikas sa mga Pinoy sa Tripoli, ipinag-utos ng DFA

Naglabas ng mandatory evacuation order ang mga opisyal ng gobyerno para sa mahigit 1,000 Filipino na nasa kabisera ng Libya matapos sumiklab ang gulo sa naturang lugar kabilang na ang pagpapakawala ng airstrikes.

Ipinag-utos ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos magbabala ang Philippine Embassy sa Tripoli na hindi nito masisiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy na piniling manatili sa kabila ng apela sa kanila na bumalik ng bansa.

Ayon sa ulat, napilitan na ang gobyerno na mag-isyu ng mandatory evacuation matapos 13 Pinoy workers at mga dependent nito ang na-trap sa isang apartment building dahil sa lumalalang kaguluhan sa Salahuddin district.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?