191

Jan 10, 2022 @ 23:05
By

Paglaya ni Twinkle Dargani inaprubahan ni Sotto

Dahil sa ‘humanitarian consideration’, inaprubahan ni Senate President Vicente Sotto III ang paglaya ni Twinkle Dargani, pangulo ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Si Dargani ay nasa kustodiya ng Senado matapos silang ma-cite-for-contempt, kasama ang kapatid niyang si Mohit at kapwa opisyal ng Pharmally na si Linconn Ong, dahil sa pagkabigong makipag-cooperate sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang pagbili ng COVID-19 medical supply.

Sabi ni Sotto, nagkasundo sila ng Senate blue ribbon committee na palayain na si Twinkle dahil sa apela ng kanyang inang si Deepa Daragani. Nababahala si Deepa sa lumalalang mental health condition ni Twinkle.

Si Twinkle ay nagpositibo rin sa coronavirus at inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) subalit ibinalik sa Senado. “Very mild” lang sintomas na nararamdaman ni Twinkle.

“Her mother has promised to present her to the Senate whenever she is needed by the Senate Blue Ribbon Committee,” sabi ni Sotto.

Inatasan din ni Sotto dsi Senate Sergeant-at-Arms Gen. Rene Samonte i-release na si Twinkle sa kanyang ina, Lunes ng gabi.

“I just got a call from SP Sotto about 15mins ago. Yes, he gave instructions to release Twinkle, for humanitarian reasons. We will be waiting for her mother to pick her up tonight,” sabi ni Samonte.

“In the meantime, I asked our attending senate doctor, Dr. Sison to subject Twinkle to medical check, vital signs, for proper turn over to whichever facility she will be brought. We are also preparing necessary documents for turnover. She is still in the senate right now,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?