95

By

Paglapag sa PhilSports para umihi, itinanggi ni Dino

Pinabulaanan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino na nag-helicopter landing sila sa PhilSports Arena o Ultra Stadium para lang umihi.

Ayon kay Office of the Presidential Assistant for the Visayas spokesperson Assistant Secretary Anthony Gerard Gonzales, pumuslit lang si Dino para mag-CR nang magkaroon ng pagkakataon habang hinihintay ang sinundo nila na makasakay ng chopper.

Ang isyu ay nag-ugat matapos mag-viral ang larawan ni Dino habang bumababa sa helicopter na lumapag sa race track na nagpaantala umano sa aktibidad ng DepEd sa naturang stadium.

Pero ayon sa DepEd ay walang DepEd-sanctioned event na nagaganap nang dumating ang helicopter.

Dagdag pa ni Gonzales, may sinundo umano si Dino sa stadium kaya ito lumapag.

“He had no way of knowing that there was any on-going event in Ultra. He was just told that the chopper will pick up other passengers,” ani Gonzales.

“It’s a call of nature that he can hold on to but there was a chance when the chopper landed,” dagdag pa nito.

Patungo umano si Dino sa Batangas para pangunahan ang paglulunsad ng Malasakit Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?