58

By

Paglapag ng chopper sa PhilSports, hindi kasalanan ni Dino – Panelo

Wala umanong kinalaman si Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino sa pagkaantala ng sports event ng Department of Education matapos lumapag ang helicopter na sinasakyan ng una sa PhilSports Complex grounds sa Pasig City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang piloto umano ng helicopter ang dapat sisihin sa insidente.

Matatandaang maraming netizens ang nagalit kay Dino nang kumalat sa social media ang mga larawan at video kung saan makikita ang opisyal habang dumadaan sa field ng PhilSports matapos ang surprise helicopter landing para umano umihi ito na nakaistorbo sa event.

“I asked Sec. Michael Dino about it and he explained it. He said he was going to attend an event and they’re going to pick up someone there (in Ultra),” ani Panelo.

“So they landed, I think the pilot didn’t know that there is a game going on and so while they’re waiting he asked for a rest room and he went there,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?