403

By

Paglambot ng Kuwait, ikinatuwa ng Malacañang

Sharing is caring!

Ikinagalak ng Malacañang ang posisyon ng Kuwait na maresolba ang gusot kaugnay sa isyu ng distressed overseas Filipino workers (OFWs) na ni-rescue sa kanilang employers.

Kasunod ito ng inihayag ni Kuwait Deputy Foreign Minister Khaled Al-Jarallah na handa silang makipagtulungan para maayos ang labor issue sa mga OFW sa kanilang bansa kasama na ang “diplomatic quarrel” sa mga opisyal ng embahada.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magandang development ito para sa gobyerno at kung sakaling magtuloy-tuloy ay bibisita sila sa Kuwait ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Mayo 7.

“Very positive development. We now have context by which Sec. Bello and I will visit Kuwait on 7 May,” ani Roque.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado ng gabi na pauuwiin niya lahat ang OFWs sa Kuwait dahil sa kabila ng pulong sa Kuwaiti Ambassador ay pinapauwi pabalik sa bansa si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa at idineklara pa itong persona non grata.

Sinabi ni Al-Jarallah na kinikilala ng Kuwait ang suporta ng Pilipinas noong panahong sinasakop sila ng Iraq at malalim na aniya ang naging pundasyon ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?