37

Oct 17, 2020 @ 10:02
By

Paglabas ng vessel monitoring rule ng BFAR kinagalak ng ilang grupo

Kasiyahan ang ilang civil society group sa paglalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa fishing vessel monitoring rules para kakainin mga susunod na henerasyon.

Pahayag ng ilang grupo, ang naturang Fisheries Administrative Order 266 na pirmado na ni Agriculture Secretary William Dar ay makatutulong para makapagpalaki na ng isda ang mga Pinoy at mapigilan na ang mga iligal na pangingisda sa katubigan ng bansa.

“Malaking bagay ang paglalabas ng alituntunin sa vessel monitoring mechanism para sa mga komersyal na bangkang pangisda na lagpas 3 gross tons. Ito ay naaayon sa mga probisyon ng Republic Act 10654, at para masunod ang sustainable fisheries management. Naniniwala kaming makakatulong ito para mapigilan ang illegal, unreported and unregulated fishing lalo na ang pagpasok ng mga komersyal na bangkang pangisda sa sa 15-kilometer municipal water. Ito ay malaking tagumpay para sa mga lokal na pamahalaan sa mga baybaying bayan at mga komunidad ng ating mga mangingisda tungo sa pagpapaunlad ng ating pangisdaan,” saad ni Dinna Umengan, coordinator ng Pangisda Natin Gawin Tama (PANAGAT), isang koalisyon ng non-government organizations na nakikipagtulungan sa mga mangingisda at kumikilos para mapangalagaan ang karagatan at kapaligiran.

Isa rin si Romblon Mayor Gerard Montojo sa mga unang naghikayat na ilabas na ang vessel monitoring rule lalo’t humaharap ang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Hindi namin papayagan ang iligal na pagpasok ng mga komersyal na mangingisda sa aming municipal waters. Hindi namin tatanggapin ang pagsasamantala nila sa panahong kami ay nakatutok sa pagtugon sa pandemya dulot ng COVID19 at para tiyakin ang kaligtasan ng aming mga pinamumunuan. Kailangang agarang maipatupad ang vessel monitoring rules,” ayon kay Montojo.

“Mahalaga ang masigla at malusog na karagatan para sa ating mga baybaying bayan at mga pulo para matiyak ang pagkain, kalusugan at kabuhayan nating mga kababayan. Hindi nakakapagtaka na ang mga lokal na pamhalaan ang mga naunang tumindig at pinigilan ang pagpasok ng komersyal na bangkang pangisda sa 15-kilometer municipal waters na pinamumunuan nila,” saad naman ni Oceana Vice President Gloria Estenzo Ramos

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?