65
Graft case ni Crisologo natutulog sa Sandiganbayan
Apr 30, 2019 @ 13:37
By

Paglabas ng prosekusyon ng ebidensiya vs Enrile, ipinag-utos ng Sandiganbayan

Pinaboran ng Sandiganbayan ang mosyon na inihain ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na makakuha ng ebidensiya ng prosekusyon bilang paghahanda sa paglilitis sa kaniyang kasong plunder.

Batay sa resolusyon na may petsang April 24, pumayag ang anti-graft court sa hiling ni Enrile batay sa Section 10, Rule 116 ng Revised Rules of Criminal Procedure.

Kinuwestiyon ni Associate Justice Ronald Moreno ang claim ng prosekusyon na maaaring ma-preempt ang paglilitis sa naging desisyon sa mosyon.

“We find unmeritorious the prosecution’s argument that there would be no more surprises during trial since it had already filed a bill of particulars which already embodied the documents intended to be presented by the prosecution,” saad ng Third Division.

Inakusahan si Enrile na tumanggap ng P172.8 milyong halaga ng kickbacks matapos ilagay ang kaniyang Priority Development Assistance Fund PDAF sa mga bogus na non-government organization ni Janet Lim-Napoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?