122

Nov 3, 2017 @ 15:50

Paglaban sa terorismo, prayoridad sa ASEAN Summit

Pinasalamatan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang United States sa naging kontribusyon nito para mabawi ang Marawi City mula sa kamay ng Maute Group.

Gayundin ang tulong ng Australia, China at Russia.

Kasabay nito, tiniyak ni Cayetano na magiging prayoridad sa gaganaping 31st ASEAN Summit ang isyu sa paglaban sa terorismo.

“The Philippines is more than ready to do its share in helping make the world a safer place,” sabi ni Cayetano.

Binanggit nito na ang maaaring maging kontribusyon ng Pilipinas sa usapin ng counter-terrorism ay sa intelligence at capacity-building.

Bago ito, nanawagan ang opisyal ng mas matatag na pagtutulungan ng mga bansa para mabawasan na ang terorismo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Aniya, ang tagumpay sa Marawi City, Mosul sa Iraq at Raqqa, Syria ay hindi nangangahulugan na natuldukan na ang banta ng Islamic State terror group, sabay banggit na ang nangyaring ‘act of terror’ sa New York ay patunay lang na may banta pa rin ng terorismo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?