88

Dec 11, 2020 @ 9:38
By

Paglabag sa PH human rights lumalala pinrotesta sa New York

New York – Kinalampag ng ibat-ibang militanteng grupo ang Philippine Consulate sa New York bilang pagkondena sa lumalalang paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Pinangunahan ng New York Committee for human rights in the Philippines ang kilos protesta
kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights day.

Nakiisa rin sa protesta ang grupong Bayan USA at Malaya Movement.

Kinondena ng naturang mga grupo ang umano’y lantarang paglabag ng gobyernong Duterte sa karapatang pantao ng mga Pilipinong tumutuligsa sa kanya at tila naging bisyo na umano ng militar at pulis ang kaliwa’t kanang paglabag sa karapatang pantao.

Gamit ang projector ay ibinalandra ng militanteng grupo sa gusali ng konsulada ang kanilang pagkadismaya sa kalunos- lunos na sinasapit ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyang administrasyon.

Bukod sa human rights ay tinuligsa rin ng naturang mga grupo ang umanoy palpak na pagtugon ng gobyerno sa COVID 19 pandemic.

Nanawagan ang militanteng grupo sa US Congress na madaliin ang pagpasa ng Philippine Human rights act na makakatulong para wakasan ang lumalalang sitwasyon ng Human rights sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?