16

By

Paglabag ng ilang resorts sa Siargao, nabuking ni Puyat

Sharing is caring!

Bitbit ang mga aral sa pagsasara ng Boracay at pagbisita sa El Nido, Palawan at Panglao, Bohol, agad napansin ni Tourism Secretary Berna Puyat ang mga paglabag ng ilang resorts sa Siargao Island sa Surigao del Norte.

Nagpunta si Puyat sa itinuturing na surfing capital of the Philippines para dumalo sa kasal ng isang kaibigan.

Ibinahagi nito na mismong ang tinuluyan nilang hotel, na accredited pa ng kanyang opisina, ay may mga paglabag, kasama na ang distansiya nito sa dagat.

Aniya, isang hagdan ng resort ay halos nakasawsaw na sa dagat.

Tumanggi itong pangalanan ang resort dahil hinihintay pa niya ang paliwanag ng pamunuan ng establisyimento.

Nabatid na 13 resorts at isang tourist inn sa Siargao ang may accreditation sa Department of Tourism at may tatlo pang aplikasyon para sa accreditation ang pinoproseso ng kagawaran.

Miyembro si Puyat ng inter-agency task force na nagsasagawa ng inspeksyon sa island-resorts at tourist destinations sa bansa para tiyakin na walang paglabag sa mga batas pangkalikasan ang mga negosyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }