115

Jun 21, 2019 @ 20:09
By

Paglabag daw sa human rights: Korapsyon sa PhilHealth kinanti ng CHR

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang umano’y corruption sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa pahayag sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na isang human rights violation ang corruption dahil ninanakawan nito ng karapatan ang mga tao gaya ng healthcare.

“At its core, the immoral and unlawful diversion of funds entrusted under the care of government agencies harms the people’s human right to health and social security—specifically, in the context of recent reports exposing allegations of ‘ghost’ claims that were paid from 2016-2018 with PhilHealth funds to kidney treatments by WellMed Dialysis & Laboratory Center involving deceased patients,” sabi ni De Guia.

Kamakailan nang pasingawin ng dalawang whistleblower ang pagkubra umano ng WellMed Dialysis Center ng claims sa health institution kahit patay na ang mga pasyente nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?