233

Aug 30, 2018 @ 12:37
By

Pagkumpuni sa Otis Bridge, minamadali na — DPWH

Sisikapin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang konstruksyon ng Otis Bridge sa Paco, Maynila bago matapos ang taong ito.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, minamadali na nila ang konstruksyon ng tulay na noong pang 1960s itinayo.

“Pipilitin natin matapos before year end. Ongoing ang construction,” saad ni Villar nang magsagawa ng inspeksyon sa ginagawang tulay.

Unang tinarget ng DPWH na matapos ang proyekto sa Pebrero 2019.

“Lahat ng board piling, tapos na,” dagdag ni Villar.

Noong Hunyo, isinara ang tulay sa mga motorista matapos matuklasan ang bitak sa bahagi nito.

Taong 2016 pa dapat isinailalim sa total replacement ang tulay, pero naantala ang proyekto dahil mas binigyang prayoridad ang Skyway Project sa Osmeña Highway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?