84

Dec 31, 2017 @ 10:28
By

Pagkumpuni sa nawasak ng tulay, kalsada ni Vinta sa Enero pa matatapos

Sisikapin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makumpuni ang lahat ng mga tulay at kalsada na napinsala ng Bagyong Vinta sa Enero.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ito ay bilang pagtalima na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang pagkukumpuni sa mga imprastraktura na napinsala ng bagyo.

Kaugnay nito, sinabi ni Villar na beinte kwatro oras na ang kanilang ginagawang pagkukumpuni para maabot ang target na deadline.

“The heaviest damage are in Dalama Bridge, Daligdigan Bridge, and Pinuyak Bridge. I’ve inspected each of the affected bridge and we’re implementing a 24/7 construction schedule to ensure that the deadline set by the President is met,” ang paliwanag ni Villar.

Ang Dalama Bridge na isang 27.6 meter bridge na matatagpuan sa Munai, Lanao del Norte ay dumanas ng pinsala sa approach, at ayon kay Villar, ang aktwal na halaga ng pinsala nito ay naitala sa P40 milyon.

Nasa Bayan naman ng Lala sa Lanao del Norte ang Pinuyak Bridge, habang ang Daligdigan Bridge ay nasa Bayan ng Salvador sa nasabi ring lalawigan.

“We are also studying the possibility of replacing the damaged infrastructure with a permanent bridge with revetment and approaches at the upstream and downstream,” saad ni Villar. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?