149
leila-de-lima
By

Pagkukubli sa dismissal ng kaso vs Kerwin, et al ‘biggest joke’ – de Lima

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Senador Leila de Lima ang pagtatago ng Department of Justice (DOJ) sa pagbasura ng drug cases laban sa umano’y mga drug dealer na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Noong Disyembre pa ibinasura ang kaso at ibinulgar lang ng media.

Ikinatwiran ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre na hindi iyon isinapubliko dahil nireresolba pa umano ang apela ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na siyang complainant sa reklamo.

Ayon kay De Lima, patunay ito na peke at hindi nakakatawa ang drug war dahil mahihirap lang aniya ang pinapatay habang hindi inuusig ang mga drug lord gaya nina Espinosa.

‘Biggest joke of all’ naman aniya ang pagkukubli ng dismissal ng kaso mula noong Disyembre.

Tatlong buwan na ang nakalilipas at ngayon aniya, nagpapanggap si Pangulong Duterte na galit.

“And the biggest joke of all? The government tried to hide the dismissal of the cases from the public since December of last year. And now Duterte is pretending to huff and puff at this dismissal,” ani De Lima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?