129

Oct 6, 2017 @ 9:07

Pagkuha ni Sereno ng IT consultant, kinuwestiyon

Sinisilip na rin ng Supreme Court En Banc ang ligalidad ng pagkuha ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng information technology consultant nang hindi umano dumadaan sa public bidding.

Ang isyung ito ay kasama sa mga inilatag na batayan ni Atty. Larry Gadon sa kanyang inihaing impeachment complaint laban kay Sereno.

Sa isa sa mga en banc session ng Korte Suprema, inatasan ng mga mahistrado ang Office of the Court Attorney na pag-aralan ang pagkuha ni Sereno kay Helen Perez-Macasaet na tumatanggap ng P250,000 bilang sweldo.

Partikular na inatasan ng Korte Supreme ang Office of the Court Attorney na magsumite ng opinion kaugnay sa ligalidad ng pagtalaga kay Macasaet bilang IT Consultant.

Nabatid na mula sa anim na kontrata kay Macasaet, lumabas na siya ay kumita na ng P9-milyon mula sa Korte Suprema.
Ang bawat kontrata na may habang anim na buwan ay para sa serbisyo ni Macasaet para sa pagpapatupad ng Enterprise Information Systems Plan at mga computerization project na may kinalaman sa EISP. (Ma. Isabel Billiones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?