45
abante mary jane court
By

Pagkuha ng testimonya kay Mary Jane Veloso, tinabla ng CA

Sharing is caring!

Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang pagpayag ng hukuman sa Nueva Ecija na makuhanan ng deposition o out-of-court testimony si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatulan ng death penalty sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking

Ang deposition ay gagamitin sa kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga recruiter ni Veloso na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na kapwa nahaharap sa kasong large scale illegal recruitment.

Sa 19-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Bato, ginawa na ring permanente ng CA Former Eleventh Division ang writ of preliminary injunction o nauna nitong ginawang pagpigil sa pagkuha ng testimonya mula kay Veloso.

Iginiit ng CA na ang pagtatanong sa isang testigo ay dapat na gawin sa harap ng hukom sa loob ng hukuman alinsunod na rin sa itinatakda ng Konstitusyon at may karapatan ang akusado na personal na makita ang mga testigo laban sa kanya.

Bagama’t sa ilalim ng Rule 119 ng Revised Rules of Criminal Procedure pinapayagan ang “conditional examination” sa mga testigo na may sakit o imposibleng makadalo ng pagdinig, dapat pa rin itong gawin sa korte kung saan nakabinbin ang kanyang kaso at dapat ay naabisuhan ang akusado kaugnay ng “conditional examination”.

Kung papayagan din umano ang deposition, ito ay paglabag sa karapatan ng akusado na harapang makompronta ang testigo laban sa kanya.

Kahit pa papayagan ng korte sa Nueva Ecija na tutulan ng kampo ng mga akusado sa pamamagitan ng “written interrogatories” ang deposition ni Veloso, kaiba naman ito sa harapang komprontasyon sa testigo sa isang public criminal trial sa harap ng hukom.

Matatandaang si Veloso ay naaresto sa Indonesia noong Abril 2010 dahil sa pagpupuslit ng 2.6 kilo ng heroin.

Nahatulan siya ng parusang kamatayan noong Oktubre 2010 pero noong Abril 2015 ay hindi muna itinuloy ang pagbitay dahil itinuturing ng gobyerno ng Pilipinas na siya ay mahalagang testigo sa reklamong human trafficking laban sa kanyang mga recruiter. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }