Pagkuha ng lisensya ng masahista, gawing simple – Villanueva

Sharing is caring!

Hinikayat ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) na gawing simple ang regulasyon sa pagpapalisensiya ng mga masahista sa gitna ng ‘no license, no massage’ order nito.

Sinabi rin nito kay Senate Committee on Health Chairman JV Ejercito na magpatawag ng public hearing kasama ang DOH at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para talakayin ang pagpapasimple ng regulasyon sa pagpapalisensiya ng mga masahista.

“Most if not all individuals who enroll in massage therapy courses are those who cannot afford tertiary education but are interested to gain employment immediately after they graduate. We don’t want the DOH order to add more burden to our people,” paliwanag ni Villanueva.

Iginiit din nito sa DOH na kilalanin ang mga massage therapists na dumaan sa pagsasanay sa TESDA.

Una nang nanawagan si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa DOH na suspendihin ang kautusan ng kagawaran ng kalusugan upang mas marami ang mahikayat na gawin ang pagmamasahe bilang alternatibo nilang pagkakakitaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?