131
abante-tnt-vismin-zhao-jianhua-2
By

Pagkubkob ng China sa Pilipinas, hindi mangyayari – Amb. Jianhua

Sharing is caring!

TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippine Zhao Jianhua na walang basehan ang mga pangamba na sasakupin ng kanilang bansa ang Pilipinas.

Ginawa ng opisyal ang pagtitiyak kaugnay sa paglapag ng isang Chinese military transport plane sa Davao City noong nakaraang linggo para magkarga lang gasolina.

Sinabi pa ni Zhao na hindi sumasagi sa kanilang isip na makipagdigma sa isang mabuting kaibigan at aniya itinuturing nilang mabait na kapitbahay ang Pilipinas.

Marami ang naaligaga sa paglapag ng eroplano ng China noong Biyernes nang aminin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na huli na nang malaman niya ito at itinuro ang Civil Aviation Authority of the Philippines na nagbigay ng ‘go signal.’

Ipinunto naman ni Sen Ping Lacson na tanging ang Department of National Defense lang ang maaring magbigay awtorisasyon sa paglipad o paglapag ng government planes ng ibang bansa sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?