130
frederick-siao
Oct 12, 2019 @ 17:44
By

Pagko-commute ng mga public official tuwing Lunes, namumuro

Isusulong ng isang kongresista ang panukala na mag-aatas sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na mag-commute isang beses sa isang linggo para mabawasan ang dami ng mga pampribadong sasakyan sa mga lansangan.

Ani Iligan City Rep. Frederick Siao, maghahain siya ng bill na magre-require sa mga opisyal, gabinete, at division chiefs na sumakay ng tricycle, jeepney, bus o ng tren tuwing Lunes.

Paliwanag niya, hindi lang ito makakabawas sa mabigat na trapiko kundi magpapaalala pa linggo-linggo sa mga public official sa dinadanas na kalbaryo ng publiko sa pagbibiyahe.

Magugunitang mahigit tatlong oras bago nakarating sa Malacañang si Presidential Spokesman Salvador Panelo noong Biyernes matapos niyang kumasa sa hamon na mag-commute.

Ito’y matapos siyang batikusin ng makakaliwang grupo sa pahayag na walang “transport crisis” sa bansa at sinabing pumasok na lang nang maaga ang mga commuter para makarating sa tamang oras sa kanilang destinasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?