202
ABANTE church annulment korte ph
By

Pagkilala sa Church annulment, umusad sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na kumikilala sa church-decreed annulment.

Base sa substitute House Bill No. 6779 o “An Act Recognizing the Civil Effects of Church Annulment Decrees”, magkakaroon ng kaparehong epekto sa batas ang paghihiwalay ng mag-asawa na inaprubahan ng anumang simbahan o relihiyon sa bansa.

Paliwanag ni Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, isa pangunahing nay akda ng panukala, kapag naging batas ito ay pareho na ng civil annulment o iyong mga inaprubahan ng korte ang declaration of nullity ng kasal sa simbahan.

Layon ng panukala na maiwasan ang matagal at mahal na proseso ng annulment sa husgado.

Mabibigyan aniya ng alternatibo at murang paraan ng paghihiwalay ang mga mag-asawang wala nang pag-asang maayos ang pagsasama.

“Recognizing the civil effects of church annulment decrees will address the need to ensure that those who find themselves in such a difficult marital situation will have the benefit of a more efficient and affordable procedure that can help ease their conscience and may permit them to move on in freedom from a truly irreparable relationship,” ani Romualdez.

Nilinaw naman ni Romualdez na pinahahalagahan niya ang pagiging sagrado ng kasal at ang kanyang panukala ay alinsunod lamang sa naisin ng Santo Papa na maging simple ang annulment procedure sa simbahang Katolika.

Sa ngayon, kinikilala ng estado ang divorce sa ilalim ng Code of Muslim Personal Laws of the Philippines na nakabase sa Sharia o Islamic law. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?