500

Dec 22, 2017 @ 15:12

Pagkilala ng US sa Jerusalem bilang capital ng Israel, binasura ng UN

Ibinasura ng United Nations ang mosyon na nagbabasura sa desisyon ng United States na kilalanin ang Jerusalem bilang kapital ng Israel.

Sa 193 miyembro ng General Assembly, 128 ang sumuporta sa resolusyon, siyam ang kumontra at 35 naman ang nag-abstain.

Tinawag naman ni Palestinian UN envoy Riyad Mansour na “massive setback” para sa United States ang resulta ng botohan.

May 21 bansa ang hindi bumuto sa resolusyon.

Kasamang ng US na kumontra sa resolusyon ang bansang Guatemala, Honduras, Israel, the Marshall Islands, Micronesia, Nauru, Palau at Togo.

Ang mga basang nag-abstain naman ay Argentina, Australia, Canada, Croatia, the Czech Republic, Hungary, Latvia, Mexico, the Philippines, Poland, Romania and Rwanda.

Matapos ang botohan, nagbabala si US Ambassador Nikki Haley na “will remember this day.”

“America will put our embassy in Jerusalem,” sabi ni Haley.

“No vote in the United Nations will make any difference on that,” Haley said. “But this vote will make a difference on how Americans look at the UN and on how we look at countries who disrespect us in the UN.”

“When we make generous contributions to the UN we also have a legitimate expectation that our goodwill is recognized and respected,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?