57

Jan 13, 2022 @ 15:18
By

Pagkatapos turukan! Shaina Magdayao nadale ng COVID

Isang araw matapos turukan ng booster shot, nakaramdam ng sintomas ng COVID si Shaina Magdayao at matapos ang RT-PCR test ay napag-alaman niya na siya ay positibo sa naturang virus.

Ikinuwento ni Shaina ang pangyayari sa kanyang Instagram post.

“Tested positive last January 9 on antigen. Symptoms started to show a day after my booster shot (January 7) so we thought my fever was just due to my shot. But I just kept on feeling worse, day by day. Result of my RT PCR(taken last Jan. 9 came out last night. As expected, positive,” saad ni Shaina sa kanyang post.

Ilan umano sa mga sintomas na kanyang naramdaman ay lagnat, sore throat, ubong may plema at rashes.

“Third day of isolation today.. Most of the people I know are positive/recovering,” dugtong pa ni Shaina. “Thank God my family is safe and healthy. #Grateful for friends and family who have been checking on me every single positive day. Praying for everyone’s safety… May Your HEALING cover our minds and bodies. Fill our hearts and minds with your #peace. Heal and strengthen us, O Lord. Amen.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?