16

Aug 3, 2021 @ 12:52
By

Pagkatapos ng laban: Pacquiao may pasabog!

Dapat umanong abangan ang magiging anunsyo ni Senador Manny Pacquiao pagkatapos ng kanyang laban kay Errol Spence Jr. sa Agosto 21.

Sa panayam sa kanya ng vlogger na si Supercar Blondie, hindi nakaiwas ang dating eight-division world champion sa tanong kung tatakbo siyang pangulo sa 2022.

“Will you ever run for president?” tanong ni Supercar Blondie.

Sa kanyang tugon, sinagot ni Pacquiao na abangan na lamang ang kanyang pasabog pagkatapos ng laban kay Spence.

“That’s a tricky question. I’ll answer that after the fight,” sagot naman ni Pacman.

“I’m considering it after the fight. [R]ight now my focus is 100 percent to the fight,” dagdag pa nito.

Isa si Pacquiao sa mga matunog na pangalan para tumakbo bilang pangulo sa 2022, bagamat wala pa naman itong pormal na anunsyo tungkol sa kandidatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?