175

Oct 17, 2020 @ 19:38

Pagkatanggal sa trabaho ng vlogger, viral

Maraming netizen ang naantig sa vlog ng Cebuanang si Jen Barangan.

Sa latest vlog kasi niya noong October 16, maiyak-iyak na ikinuwento ni Barangan sa may 370,000 subscribers niya sa YouTube kung paanong nalusaw ang pinangarap niyang trabaho na pagiging flight attendant.

May pamagat iyong “I lost my job as a flight attendant” na mayroon nang mahigit 1.2 milyong views.

Kabilang ang pagdokumento niya sa buhay niya bilang flight attendant sa dahilan kaya lumaki ang mga YT viewer niya.

“This by far the hardest vlog to film. And I don’t know how and where to start. I don’t even know how this vlog turns out,” ani Barangan sa vlog.

Nagsimula raw gumuho ang mundo niya nang makansela ang mga flights noong Marso.

June 4 nang aksidente siya nakatanggap ng email tungkol sa retrenchment kung saan nakita niyang kasama ang batch nila roon.

Sa sobrang pagka-shock ay namanhid daw siya at hindi makakilos.

Dahil dito, pinabaha ng mga fan ang mga larawan niya sa social media na may empowering caption para kahit papaano’y mapalakas ang loob niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?