611

Oct 26, 2019 @ 22:20

Pagkatalo nina Karylle, Ryan Bang inangalan

Kasabay ng rebelasyon ni Vice Ganda tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez, panalo rin ang unkabogable star ng grand prize sa Magpasikat 2019 sa “It’s Showtime” nitong Sabado.

Second place ang Team Vhong at Mariel, pangatlong puwesto ang Team Anne at Tyang Amy.

Nireklamo naman ng ilan sa mga netizen ang resulta.

Trending sa Twitter ang hashtag na “Team Karylle and Ryan” dahil na inasahan ng mga netizen na may puwesto sina Ryan Bang at Karylle.

Kitang-kita raw ang effort sa production number ng dalawa pati na ang performance ni Karylle at ng TNT singers.

Deserving daw na magkaroon ng puwesto ang team nila.

Nagbiro tuloy si Ryan na hindi pa rin natatapos ang ‘sumpa’ niya pagkatapos matalo.

Narito ang komento ng mga netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?