154

Nov 9, 2020 @ 11:42
By

Pagkatalo ni Trump warning kay Duterte – Akbayan

Ang pagkabigo ni Donald Trump na maupong muli bilang pangulo ng Amerika ay dapat umanong magsilbing paalala kay Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng mga malulupit na pinuno ay babagsak din.

Sinabi ito ni Akbayan chairperson emeritus Etta Rosales matapos matalo ni Joe Biden si Trump sa Halalan 2020 sa US ngayong Nobyembre.

Dapat aniyang tingnang mabuti ni Duterte ang resulta ng botohan sa Estados Unidos.

“[We call] on Mr. Rodrigo Duterte to take a good hard look at the result of the US presidential election,” ani Rosales.

“Trump’s defeat serves both as a warning and reminder to Duterte and his minions that all tyrants, regardless of their popularity and power, will fall,” dagdag niya.

Hinahalintulad din kina Trump at Duterte ang pamumuno ni Xi Jinping sa China at ni Vladimir Putin sa Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?