198

By

Pagkatalo ng UP, sinisi kay Imee

Kahit na nagpakita ng suporta ang UP alumna na si Senator Imee Marcos sa do-or-die stepladder semis ng Fighting Maroons kontra UST Growling Tigers nitong Miyerkoles, isang malaking ‘no thanks’ naman ang inabot nito sa mga netizen.

Sinisi pa siya sa ng ilang mga UP supporter sa pagkatalo ng Fighting Maroons dahil sa `pakikisawsaw’ umano ng senadora na kamakailan ay naging kontrobersyal dahil sa kuwestiyunableng pagtatapos nito sa UP.

Sa gitna kasi ng laro ng UP vs UST ay makikita sa tweet ni Senator Richard ‘Dick’ Gordon na sama-samang nag-pose para sa isang larawan ang mga UP alumni bilang suporta sa kanilang dating unibersidad sina Sen. Nancy Binay, Migz Zubiri at Imee na nauna nang kinuwestiyon ang umano’y pag-graduate nito sa UP.

Pero imbes na positibong komento o acknowledgement ang natatangap ay binomba pa ito ng negatibong komento lalo na si Sen. Marcos.

“Kasalanan nyo to. Mga malas,” sabi ni @dyireyessiedos0, habang ganito rin ang tweet ni @jelojilo, “alam na kung sino may kasalanan.”

Inasar naman ni @Jerome Ramos si Imee, “My naiiba ata… Graduate b tlaga ? Hehehe.”

Ganito rin ang pang-aalaska ni @Deok Ha, “Special mention si Imee…”

“At least accurate yung mentioned names sa mga alumni.yang isa feeling lang, hirit naman ni @Finn Bruno., habang “feelingera hahaha” ang banat ni @Marlon J Corral.

Ang iba, ganito naman ang mga hirit, @Norman Lago, “basketball ba ang match ng UP at UST ? Bakit ang background nyo parang opisina o sa loob ng. . . at hindi basketball court ? saan po kuha yan pic nyo?”

“UP din naman si imee ah. University of Pangasinan nga lang,” sey ni

@Jo Joe, habang si @Ronald Caldona Doma, sinabing “feeling maroon yung isa. Red yan.”

Pahabol naman ni @glennndiaz, “YAK NO THANKS –UP,” maging si @mzxyhs, “KAPAGANG UP MINALAS HA.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?