159

By

Pagkatalo ng Otso Diretso sa halalan, hindi kasalanan ni Pangilinan – Robredo

Hindi umano itinuturing ni Vice President Leni Robredo na ‘total loss’ ang pagkatalo ng Otso Diretso sa nagdaang halalan.

“Hindi ko siya nire-regard na total loss kasi if at all, we were able to unite many forces na dati hindi united,” saad ni Robredo sa sidelines ng Pag-asa Film Festival 2019 sa Quezon City nitong Sabado.

“So it is worth fighting for, still; hindi lang for the elections, pero for many other issues that will face us,” dagdag pa ni Robredo.

Ayon sa official and final tally ng Commission on Elections, wala ni isa sa 8 kandidato ng oposisyon ang nakalusot sa Magic 12 ng senatorial race.

Nilinaw naman ni Robredo na ang pagkatalo ng Otso Diretso ay hindi kasalanan nina Senator Francis Pangilinan at Quezon City Representative Christopher “Kit” Belmonte, na kamakailan ay nag-quit bilang President at Secretary General ng Liberal Party.

“Hindi nila kasalanan. Hindi nila kasalanan. Puwedeng maraming pagkukulang, pero hindi siya kasalanan noong dalawa. Ano iyon, very noble way of accepting responsibility,” saad ni Robredo.

“Sinabi ko din sa kanila na kung ako lang magdedesisyon, hindi ko siya tatanggapin. Kasi ito iyong panahon na kailangan mas magkaisa kami, at marami pang laban na haharapin,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?