228

By

Pagkastigo sa mga Marcos, ‘di dapat matapos kay Imelda – mga kongresista

Sharing is caring!

Dapat umanong ituloy ang pagpapanagot sa iba pang miyembro ng pamilya Marcos sa kabila ng guilty verdict ng Sandiganbayan kay dating unang ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Paalala ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, hindi lang ang dating unang ginang ang nagkamal sa kaban ng bayan.

“Dapat mapanagot pa rin sa batas iba pang miyembro ng Marcos family na nagsamantala sa posisyon at lumustay ng kaban yaman,” giit ni Castro.

Sinegundahan ito ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na nagsabing dapat pa ring magbantay ang publiko lalo na kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

“The public should continue on the lookout. Particularly, Imee Marcos was recommended to file plunder charge on the misuse of the P66 Million Tobacco Excise Tax fund by the House committee on good governance,” ani Casilao.

Sa panig ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, bagama’t masyadong matagal ay hustisya pa ring maituturing ang hatol ng Sandiganbayan kay Mrs. Marcos.

“We hope that similar cases can be pursued against the Marcos children. This is how the Marcoses can be held accountable for their crimes, exorcized from public service, once and for all, and prevented from rewriting history and erasing the bloody and corrupt legacy of the Marcos dictatorship,” sabi ni Tinio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?