29

Jul 20, 2021 @ 15:38

Pagkapangulo, Kamara, posibleng target ni Cayetano

Nabuking sa isang ambush interview nitong Martes na pinag-iisipan ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang posibilidad na pagtakbo bilang presidente sa 2022.

Ayon kay Cayetano, kung hindi pagkapangulo ay muli siyang tatakbo sa Kamara bilang reelectionist candidate ng kanyang distrito.

“I’m considering just either running for president or for reelection sa position ko ngayon,” wika ni Cayetano.

Ayon pa sa kanya, malayo sa kanyang isip ang tumakbo bilang bise presidente – ang posisyon na kanyang tinakbuhan noong 2016 kung saan siya ay natalo.

“I’m not really considering for vice president… May mga nagsasabi na puwedeng mag-senador, but I’m really contemplating muna ano ang magiging future natin in the first year after Duterte,” dagdag pa ng mambabatas.

Nakatakda raw niyang ianunsyo ang pormal niyang desisyon sa mga susunod na linggo, at kung hindi naman ay sa Setyembre.

“Let’s see, magbi-bear din sa akin ‘yung 2022 budget, meaning kung napakaganda ng 2022 budget and tingin ko naman kahit sino maging presidente, magiging maganda implementation, but definitely titingnan ko rin ‘yung moral compass ng lahat ng tatakbo,” pahayag ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?