60
patricia-fox
May 25, 2018 @ 18:52
By

Pagkansela sa missionary visa, pinababaligtad ni Sister Fox

Pormal nang iniapela sa Department of Justice (DOJ) ni Sister Patricia Fox ang pinal na pagkansela ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang missionary visa.

Sa 24-pahinang petition for review, tinukoy ng kampo ni Fox na ang batayan ng BI sa pagkansela ng kanyang visa na pagsali niya sa mga political activities ay hindi kasama sa mga basehan na nakalatag sa ilalim ng Rule 12 Section 4 ng BI Omnibus Rules of Procedure 2015.

Sa ilalim ng nasabing panuntunan, kasama sa tinukoy na batayan para sa kanselasyon ng visa ay kung wala na ang presensya ng legal na basehan kung bakit inisyu ang visa at kung nakuha ng dayuhan ang visa sa pamamagitan ng panloloko, misrepresentation o pagtatago ng mahalagang impormasyon.

Dahil dito, nalabag umano ang right to due process ni Sister Fox.

Hindi rin umano suportado ng sapat na impormasyon ang basehan ng kanselasyon ng visa ng madre na ibinatay sa report ng isang BI intel agent kung saan nakuhanan umano si Sister Fox ng litrato na may hawak na placard na may katagang “Free All Political Prisoners.”

Pero ang lugar, konteksto at pinagmulan ng litrato ay hindi naman tinukoy sa ulat.

Kung ginawa rin umanong batayan ang diumano’y political activity na sinalihan ni Sister Fox, ito umano ay paglabag sa kanyang freedom of speech at assembly na mga karapatan na kinikilala sa buong mundo anuman ang citizenship ng isang tao.

Dahil dito, hinihiling ni Sister Fox na baligtarin ng DOJ ang pagbawi ng BI sa kanyang missionary visa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?