87

Oct 17, 2017 @ 17:21

Pagkamatay nina Hapilon, Maute, tagumpay sa kapayapaan – Ozamiz archbishop

Tagumpay para sa kapayapaan at kaayusan sa ating lipunan ang pagkakapaslang sa dalawang pinuno ng Maute-ISIS group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ito ang tinuran ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na naniniwalang ang kinasapitan nina Hapilon at Maute ay patunay na kinakailangang puksain ang kasamaan para mamayani ang kabutihan.

“This serves as a lesson that evil must be conquered so that goodness may reign. May those who plan evil realize that there are so many good people who will oppose them,” giit ni Jumoad. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?