36
prince
Apr 20, 2018 @ 17:04

Pagkamatay ni Prince sa overdose, aksidente lang – prosecutor

Tinuldukan na ng Minneapolis prosecutor ang kaso ng pagkamatay ni American singer-songwriter Prince.

Ayon dito, walang mapaparusahan sa pagkamatay ni Prince dahil ang pagka-overdose nito sa fentanyl ay aksidente.

Uminom umano si Prince ng counterfeit na fentanyl na akala niya ang mas mahinang painkiller pero kabaligtaran ito sa tunay dahil mas malakas at mas delikado ito.

At matapos nga ang dalawang taon nang mamatay ang 57-anyos na si Prince noong Abril 21, 2016, lumabas sa imbestigasyon ng grupo ni Minnesota’s Carver county district attorney Mark Metz, na walang nakitang ebidensiya para mapatunayang may nagkasala sa pagkamatay ng singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?