102

Oct 15, 2017 @ 14:46

Pagkamatay ni Kian, Carl at Kulot, hindi EJKs – Aguirre

Hindi umano makukunsiderang extra judicial killings o EJKs ang kaso ng pagkamatay nina Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz and Reynaldo “Kulot” De Guzman, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

“Sila Kian Delos Santos ba, sila Carl Arnaiz at si Kulot, sila ba ay members ng media, sila ba ay member ng cultural minorities? Hindi. Kaya hindi sila pwedeng pumasok sa definition ng EJK, pahayag ni Aguirre sa himpilang dzBB kahapon

Paliwanag ng kalihim, hindi umano sakop ng depenisyon ng EJK sa ilalim ng administrative order sa pagbuo ng inter-agency committee para imbestigahan ang naturang mga insidente.

Nakasaad umano sa depenisyon ng EJK sa ilalim ng Administrative Order 35 series of 2012, kung saan nakasaa doon na, “the victim was a member of, or affiliated with an organization, to include political, environmental, agrarian, labor, or similar causes; or an advocate of above-named causes; or a media practitioner or person(s) apparently mistaken or identified to be so.”

Diin ni Aguirre, ang pagpatay  sa tatlo ay maaring ikonsiderang pangkaraniwang krimen lamang at hindi EJKs katulad ng nangyari sa martila law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Katulad nung mga ginawa ni Marcos nun, ang tawag doon murder, hindi EJK,” paliwanag pa ng kalihim.

Paniwala pa ni Aguirre, nais lamang ng mga kritiko ng administrasyon na pasamain ang imahe ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kampanyan kontra ilegal na droga

“Isa lang ang purpose nila, gusto nilang pasamain ang Duterte administration at gusto nilang papasukin yan sa EJK,” ani Aguirre. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?