duterte-1
By

Pagkamatay ni Fr. Ventura, huwag isisi sa gobyerno – Duterte

Sharing is caring!

Dapat alamin ang tunay na motibo sa pagpaslang kay Father Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan sa halip na sisihin ang gobyerno rito.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga patama ng grupong Anakbayan at ni Senador Francis Pangilinan sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo, walang dahilan para patayin ang pari kaya dapat alamin din ng mga naninising grupo kung ano ang tunay na motibo ng krimen.

“There’s a priest who died there, have you considered other angles? Why should we kill a priest? I am being blamed,” anang Pangulo.

Si Father Ventura ay binaril at napatay ng hindi nakilalang salarin pagkatapos nitong magmisa noong Linggo at hanggang ngayon ay wala pa ring makita ang mga awtoridad na malinaw na dahilan kung bakit ito pinatay.

Sinabi ni Pangilinan na ipinagmamalaki ng Duterte administration ang bumabang bilang krimen at pagtutok sa law and order subalit hindi nagawang maproteksiyonan ang isang paring nagsusulong ng adbokasiya laban sa illegal mining at pagtulong sa mga katutubong grupo.

Bumanat naman ang grupong Anakbayan at isinisi ang pagkamatay ni Father Ventura sa aniya ay pasista at mala-mafia style na pangangasiwa ng Duterte administration sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?