Abante-VisMin-Radar-avicii

Pagkamatay ni DJ Avicii, suicide – report

Sharing is caring!

Nagpakamatay si dance music superstar Avicii sa pamamagitan ng paglaslas ng kanyang sarili ng piraso ng salamin.

Ayon sa TMZ report, hindi pa nagkokomento hinggil dito ang kinatawan ng Swedish DJ pero una nang sinabi ng pamilya ni Avicii na naniniwala silang pinatay nito ang kanyang sarili.

“He really struggled with thoughts about Meaning, Life, Happiness,” sabi sa open letter na inilabas ng pamilya ni Avicii.

“He could not go on any longer. He wanted to find peace.”

Dagdag pa sa report, marami umanong dugo ang nawala kay Avicii matapos nitong maglaslas gamit ang kapiraso ng basag na bote.

Matatandaang nakitang patay ang 28-anyos na si Avicii, o Tim Bergling ang totoong pangalan, habang nagbabakasyon sa Oman noong Abril 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?