122

Feb 7, 2019 @ 18:15
By

Pagkamatay ng Abu Sayyaf sub-leader biniberipika pa ng militar

Wala pang kumpirmasyon hinggil sa pagkamatay umano sa engkuwentro ng Abu Sayyaf sub-commander na si Indang Susukan sa Sulu.

Ayon sa ulat, hinahanap na umano ng Joint Task Force Sulu kung saan inilibing si Susukan.

Si Susukan ay kabilang sa 15 na miyembro ng Abu Sayyaf na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa militar sa Patikul, Sulu noong nakaraang linggo kung saan limang sundalo habang tatlong Abu ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?