171

Jun 30, 2020 @ 12:23
By

Pagkamatay ng 4 sundalo ‘wag intrigahin – Wesmincom

Nanawagan si Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana sa publiko na huwag i-sensationalize sa pamamagitan ng social media ang pagkakapatay ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Sobejana, hindi ninanais ng militar na lumaki ang insidente sa pagitan ng mga pulis at sundalo dahil sa insidente.

Ang interes aniya ng militar ay malaman ang buong katotohanan sa likod ng insidente at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga tauhan na nakilalang sina Army Major Marvin Indammog, PMA Mandala Class 2006; Captain Irwin Managuelod, PMA Class 2009; Sgt. Eric Velasco at Corporal Abdal Asula.

Giit ni Sobejana, hindi pa na-establish ang motibo sa likod ng pamamaril, at humingi na sila ng tulong sa National Bureau of Investigation para magsagawa ng isang impartial investigation.

Sa report ng militar, ang dalawang opisyal at dalawang sundalo ng 11th Infantry Division ng Philippine Army na nakasakay sa pribadong grey na Montero ay nagsasagawa ng operasyon nang mabaril ng mga pulis sa harap ng Jolo Central Fire Station sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?