38

Oct 16, 2017 @ 16:32

Pagkamatay ng 2 terrorist leader, samantalahin – Biazon

Naniniwala si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na mahihirapan na ang teroristang grupo sa kanilang laban sa tropa ng pamahalaan kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute kaya’t dapat na itong samantalahin.

Ito, ayon kay Biazon, vice chairman ng House Committee in National Defense, ay dahil mawawalan ng direksyon ang grupo dahil wala nang gagawa ng mahahalagang desisyon.

Sinabi ng kongresista na oportunidad naman ito sa militar para tuluyan nang tapusin ang natitirang mga terorista.

Dapat aniyang samantalahin ng pamahalaan bago pa may pumalit kaagad sa dalawang napatay na lider.

“Of course it must be realized that this may be a temporary window of opportunity because successors may soon take over, unless those potential leaders are likewise neutralized or the pressure on the terrorists sustained enough to prevent them from reorganizing,” pahayag ni Biazon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?