89

By

Pagkaluklok ni Kho sa Comelec, sakto sa 2019 polls – Jimenez

Sharing is caring!

Ikinalugod ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakahirang kay Justice Undersecretary Antonio Kho Jr., bilang pinakabagong commissioner ng poll body.

Dahil sa appointment ni Kho, nakumpleto na ang komposisyon ng Comelec En Banc.

Sa isang statement, sinabi ni Comelec Spokesperson Director James Jimenez, tiyempo ang pagkakahirang kay Kho ngayong puspusan na ang poll body sa paghahanda sa May 13, 2019 national and local elections.

“The appointment of Commissioner Kho rounds up the composition of the seven-member en banc as the Comelec goes full steam ahead with its preparations for the May 13, 2019 national and local elections,” saad ni Jimenez.

Si Kho ang hinirang na kapalit sa puwestong binakante ni Comelec Chairman Sheriff Abas.

Manunungkulan si Kho sa Comelec hanggang Pebrero 2022. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?