38

By

Pagkaluklok ng ‘Pinas sa UNHRC, patunay na nirerespeto ng Duterte gov’t ang human rights – Palasyo

Sharing is caring!

Ikinalugod ng Malacañang ang pagkasali ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) bilang isa sa 47 miyembro nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang nakuhang boto ng Pilipinas ay pagkilala na nirerespeto ng gobyerno ang karapatang pantao at hindi kinukunsinti ang pang-aabuso ng mga nasa awtoridad.

Patunay lamang aniya ito na hindi pinapaniwalaan ng UNHCR ang paratang ng mga kritiko laban sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.

“The Philippines’ re-election to the 47-member United Nations Human Rights Council for another 3-year term is a recognition that our government respects human rights and will not tolerate abuse by those in authority. Getting a seat in the UN Human Rights Council is a repudiation of the critics and detractors on President Duterte’s unrelenting war against illegal drugs,” ani Panelo.

Kinikilala ng mga bansa sa mundo ang problema sa iligal na droga bilang matinding suliranin at kailangan ang masusing atensiyon para mapigil ang pagkalat nito sa buong mundo.

Sinabi ni Panelo na nahaharap ang bansa sa matinding problema sa iligal na droga at ipinapakita ng gobyerno kung paano harapin ang problemang ito ng mga Filipino.

“With the county’s re-election, the President’s campaign against illegal drugs, corruption, and criminality has, in effect, been acknowledged by the international community as essential to the protection of the right to life, liberty and property of every peace-loving and law-abiding citizen of our State,” dagdag pa ni Panelo.

Nagpasalamat ang gobyerno sa UNHCR gayundin sa mga bansang sumuporta sa Pilipinas na naniniwala sa isinusulong na adbokasiya ng gobyerno sa human rights sa ilalim ng Duterte administration.

“We thank and commend the UN Human Rights Council, as well as the States that supported our country’s bid, for affirming the Philippines’ brand of human rights advocacy under the Duterte administration as truly responsive to our people’s needs and aspirations for a better and more dignified life,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?