142

Aug 2, 2022 @ 21:44
By

Pagkalipas ng 28 taon, Thalia nag-ala ‘Marimar’

Inalala ng 50-anyos na ngayong Mexican actress na si Thalia ang karakter na nagpasikat sa kanya sa Pilipinas at sinuot ang orihinal na damit ni “Marimar”.

Bago pa nauso ang mga Koreanovela sa bansa, sumikat noong 90s ang mga Mexican telenovela, kabilang na nga rito ang “Marimar” ni Thalia noong 1994.

Sa kanyang Instagram, nag-ala “Marimar” si Thalia sa isang beach katulad ng lugar kung saan kinunan ang mga beach scene ng naturang Mexicanovela.

Ani Thalia, ang sinuot niyang damit ang orihinal na ginamit niya nang gumanap na “Marimar”, 28 taon na ang nakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?