58
senado
By

Pagkalas ni Duterte sa Rome Statute suportado ni Koko

Sharing is caring!

Kinatigan ni Senate President Koko Pimentel ang pasya ni Pangulong RodrigoDuterte na pag-alis ang bansa mula sa Rome Statute, ang tratado na lumikha sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Pimentel, kung siya ang pangulo, malamang iyon din ang kaniyang ginawa.

Dahil aniya ito sa pagpatol ng ICC sa mga reklamo laban kay Pangulong Duterte na isinampa ng mga pulitiko lamang at ang bitbit na isyu ay ukol sa mga domestic policies sa Pilipinas.

Tinukoy niya ang polisiya ng pangulo laban sa iligal na droga na maliwanag aniyang tinanggap ng taumbayan dahil nanalo ito nung eleksiyon.

Sabi ni Pimentel, nakikialam at sumusobra na ang ICC at gustong pakialaman ang pagpapatakbo ng bansa kaya naiintindihan nya ang inis ng pangulo.

Sa tingin naman ni Pimentel, kahit kumalas ngayon ang bansa mula sa Rome Statute, maari pa rin nilang ituloy ang imbestigasyon sa pangulo bagaman anuman ang maging resulta noon, hindi maipatutupad dito dahil kumalas na ang Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?