30

By

Pagkalas ng 2 bagon ng MRT, ‘di nakitaan ng ‘mechanical defects’ – NBI

Sharing is caring!

Walang nakitang mechanical o electrical defects ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) special action unit ang mga coupling devices sa nasangkot na bagon ng tren ng MRT-3 na kumalas sa isat-isa dalawang linggo na ang nakalipas.

Paliwanag ni Joel Tovera, pinuno ng NBI-SAU sinuri ng kaniyang grupo ang mga bagon para sa mechanical at electrical examination sa tulong ng mga eksperto, forensics at mga technicians ng MRT. Pero base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, wala silang nakikitang depekto sa nasabing coupler.

Binaklas pa mismo ng mga engineer at technicians ng MRT ang coupler sa harapan ng mga tauhan ng NBI at mga miyembro ng media para sa mas masinsinang inspeksyon.

Gayunman, nilinaw ni Tovera na ito ay resulta pa lamang ng inisyal na imbestigasyon.

Ikokonekta pa aniya nila ang kanilang mga napag-alaman ngayon, sa mga sinabi ng mga persons of interest na kanilang iniimbestigahan nitong mga nagdaang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?