294

Dec 30, 2019 @ 16:00

Pagkakulong ni De Lima, balido – Inday Sara

Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte ang desisyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ban din sa Pilipinas kay US Senator Patrick Leahy.

Kabilang si Leahy sa nagtulak para ma-ban sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima.

Anang alkalde, ang pakikialam ng ibang bansa sa Pilipinas ay banta sa justice system kaya hindi sila panghihinaan na tumindig para mapanatili sa kulungan si De Lima dahi “valid” aniya ang pagkakadetine rito at kumpirmado ito ng Korte Suprema.

“We will not weaken our stand to keep De Lima in detention, as the incarceration is valid and law affirmed by the Supreme Court,” tweet ni Inday Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?