44
paolo-duterte
Dec 25, 2017 @ 18:21
By

Pagkakasangkot sa shabu shipment, ‘di mababago ng resignation ni Paolo Duterte

Mananatili umanong nakakabit kay resigned Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang pagkakasangkot nito sa ilang kontrobersya kahit pa nagbitiw na siya sa puwesto.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, hindi mababago ng resignation ni Duterte ang pakakadawit sa Davao group at sa smuggling ng P6.4 bilyon na halaga ng iligal na droga.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Paolo na nagbitiw siya sa ngalan ng delicadeza at binanggit ang ilang pangyayari sa kanyang buhay kabilang ang pagkakasangkot sa smuggling case sa Bureau of Customs (BOC).

Iginagalang naman ni Parañaque Rep. Gus Tambunting ang desisyon ng bise alkalde.

Sabi ni Tambunting, prerogative ni Duterte kung naniniwala itong mainam ang resignation sa interes ng kanyang pamilya.

Hayaan na lamang aniyang umiral ang legal succession para hindi naman maapektuhan ang serbisyo ng Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?