time
By

Pagkakasama sa TIME cover ni Duterte, patunay ng malakas na liderato – Palasyo

Sharing is caring!

Walang dudang naipakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong mundo ang kanyang malakas at walang pag-aalinlangan na liderato.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos mapabilang si Pangulong Duterte sa apat na “strongmen leaders” sa cover ng TIME magazine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong ang mga Filipino ang kumilala sa katangian ng Presidente sa pamamagitan ng kanyang mataas na satisfaction, approval, trust at performance ratings.

Bagama’t makulay ang pananalita ni Pangulong Duterte, seryoso nitong naihatid sa sambayanan ang mensahe ng masamang epekto ng iligal na droga at krimen.

“Regardless of slant, President Rodrigo Roa Duterte has demonstrated strong and decisive leadership – a quality appreciated by Filipinos as evidenced by the Chief Executive’s high satisfaction, approval, trust and performance ratings.

“Filipinos have learned not to take PRRD literally with his colorful language but they have surely taken seriously the issues the President has espoused, such as the war on drugs and crime,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi lamang ang mga Filipino ang may problema sa iligal na droga kundi ito ay pandaigdigang suliranin, at ang mga ginagawang hakbang ng Pangulo ay kinikilala ng mga bansang Indonesia, China, maging ni United States President Donald Trump at mga police leader sa ibang mga bansa sa Southeast Asia.

Sinabi pa ni Roque na ang estilo ng Pangulo sa pagkamit ng hustisya ay nasasalig sa Saligang Batas at ang lahat ng drug-related killings ay masusing iniimbestigahan.

“The President’s brand of justice strictly adheres to the rule of law where the dismantling of the drug apparatus ensures the proper investigation of all drug-related killings,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?