18

By

Pagkakasama ko sa senatorial survey, ‘di na bago – Sara Duterte

Sharing is caring!

Hindi na umano bago kay Davao City Mayor Sara Duterte na mapabilang sa mga senatorial survey.

Tugon ito ng alkalde matapos lumabas na pang-walo ito sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Ayon kay Mayor Duterte, hindi ito ang unang pagkakataon na napabilang ang pangalan sa senatorial survey dahil lumabas din ang pangalan nito noong 2012.

Nagpasalamat ang alkalde sa mga nagbigay ng suporta pero naniniwala siyang ang malaking kontribusyon nito sa nation building ay ang pagiging responsableng Dabawenyo, maging bilang lingkod bayan o bilang abogado.

Sinabi ni Mayor Sara na ang katatagan ngayon ng Davao City ay bunga ng pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa trabaho.

“Thank you to those who have their support, but I still believe that being a responsible Dabawenyo, whether in public office or as a practicing lawyer, is my contribution to nation building,” ang pahayag ni Mayor Duterte.

Pero may pasaring ang alkalde na huwag lang siyang inisin ng mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte para magamit ng mga dilawan ang slot na nakalaan sa kanya. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?