136

Oct 18, 2019 @ 21:06
By

Pagkakaospital ni Claudine pinagdudahan

“Are you proud of who have you become?”

‘Yan ang naka-post sa Instagram ni Claudine Barretto. Na sa caption ay sinagot na rin niya na: “I hope not.”

By this time, alam na ninyo ang eskandalong naganap sa lamay ng ama nilang si Miguel Barretto. Walang nagawa si President Digong Duterte upang maayos ang gulo ng tatlong Barretto sisters.

Sa ngayon, naka-confine sa St. Luke’s hospital sa BGC si Claudine dahil sa natamong galos at pagkahilo umano nito.

May mga nagdududa naman sa pagkakaospital ni Claudine. Parang feeling nila, hindi raw totoo at mukhang gawa-gawa lang. Alam mo naman ang mga tao ngayon, hanggang kayang maghanap ng butas sa isang tao, gagawin talaga nila. Malay ba naman nila sa totoong sitwasyon ni Claudine ngayon? At wala naman sila sa lugar na pinangyarihan dahil ang balita ko bawal ang hindi kamag-anak, o kaibigan, sa burol ni Mr. Barretto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?